Hayagang ibinida ni Kapamilya teen star Andrea Brillantes ang pagkain niya ng dessert, subalit ang tunay na pakay ay ipakita ang pagsuporta sa kandidatura ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

"Ganito po ako kumain ng dessert. Share ko lang," saad ni Andrea sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Abril 20. Kalakip nito ang mga litrato ng kinakain niyang mga dessert gaya ng tinapay na may palamang kulay pink, pink ice cream, at 'Pocky' na kulay pink.

Sa kaniyang IG story, muli niya itong ibinahagi at nilagyan pa ng text caption na "Rosas ang kulay ng bukas".

Higit sa lahat, makikita ang 'Speak Cup' ng isang convenience store na makikita ang mukha ni VP Leni.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

https://twitter.com/iamandrea_b/status/1516706694537289732

https://twitter.com/iamandrea_b/status/1516707560296165376

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing maganda ang ginawa ni Blythe pero may mga bumatikos din sa kaniya. May mga nagpayo pang i-convert niya ang bagong boyfriend na si UP Fighting Maroons basketball star Ricci Rivero na kamakailan lamang ay pinag-usapan ang ginawang proposal sa kaniya upang maging jowa, noong Abril 9. Si Ricci ay sumusuporta naman sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Samantala, wala pang reaksyon dito si Ricci.