Balik-Instagram na nga ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson matapos ang social media detox, kaugnay ng mga isyung kinasangkutan sa kasong pambubugbog sa jowang si Ana Jalandoni.

Napabalita ang pagde-deactivate niya noong Abril 10, 2022.

Screengrab mula sa IG/Kit Thompson

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa ngayon, ang makikitang IG posts niya ay noon pang 2021. Abril 27, 2021 ang huling IG post na makikita rito, kung saan makikita ang kaniyang black and white na litrato habang hawak ang isang motorsiklo, at pubmat na siya ang tinanghal na 'Best Actor' para sa pelikulang 'Belle Douleur' katambal si Mylene Dizon.

Samantala, how true na tsugi na siya sa upcoming Pinoy adaptation ng hit Korean drama na 'Flower of Evil' nina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at bagong Kapamilyang si Lovi Poe? Ang papalit umano sa kaniya ay ang kaka-renew lamang ng kontrata sa ABS-CBN na si Kapamilya actor JC De Vera.

Ang siste, papalitan na umano siya ni JC dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor. Kung trulalu man ang chikang ito, malaking sayang ito para kay Kit dahil mahalagang karakter sana ang gagampanan niya sa serye; bukod dito, marami na raw eksenang nakunan na kasama siya.

Nagkatrabaho ang dalawa sa katatapos na teleseryeng 'La Vida Lena' ng ABS-CBN katambal si Erich Gonzales.

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng kaniyang kampo laban sa mga pagsisiwalat ni Ana laban sa kaniya.