Kanselado ang Game 6 ng Philippine Basketball Association (PBA) Season 46 Governors' Cup Finals na nakatakda nitong Miyerkules matapos masunog ang bahagi ng Smart-Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng umaga.

Katwiran ng PBA, layunin lamang nilang maprotektahan ang publiko.

"With the safety of all in mind, the PBA has decided to postpone the 46th Season Governors Cup Finals Game 6 between Barangay Ginebra San Miguel and Meralco Bolts tonight," pahayag ng PBA.

Sinabi rin ng pamunuan ng PBA na ire-refund na lamang ang mga nabiling ticket para sa Game 6. Abante ang Ginebra laban sa Meralco, 3-2, sa serye ng kanilang best-of-seven.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang naiulat na naganap ang insidente habang isinasagawa ang PBA 3X3 Grand Finals.