Tinanggihan ni Viva sexy actress AJ Raval ang pagbida sa pelikulang 'Scorpio Nights 3' dahil umano sa balak niyang pag-aaral, ayon sa ginanap na virtual media conference ng pelikulang 'Kaliwaan' nitong Lunes ng gabi, Abril 18, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/19/aj-nag-withdraw-sa-scorpio-nights-3-lie-low-muna-ko-sa-pagpapaseksi-mag-aaral-din-muna-ako/">https://balita.net.ph/2022/04/19/aj-nag-withdraw-sa-scorpio-nights-3-lie-low-muna-ko-sa-pagpapaseksi-mag-aaral-din-muna-ako/

Dahil dito, pinalitan na siya ni Christine Bermas na talagang palaban din naman sa maiinit na eksena, lalo na sa pelikulang 'Sisid' nina Paolo Gumabao at Vince Rillon.

Mukhang hindi raw para sa kaniya ang naturang pelikula dahil sasabay ito sa balak niyang mag-enrol sa susunod na pasukan upang mag-aral. Mag-lie low raw muna siya sa pagpapaseksi sa pelikula para asikasuhin ang ibang goals niya ngayon sa buhay.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

“Magagawa ko pa rin siya, pero parang may goal ako this year. Like, kunwari po, June po, pasukan. Plan ko po is mag-enroll ako this year," aniya.

"Parang magla-lie low mo muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako."

“Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yun na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights."

Hindi naman daw ibig sabihin nito na hindi na siya magpapaseksi sa pelikula. Tutuparin daw niya ang pangarap na maging action star kagaya ng kaniyang amang si Jeric Raval.

Natanong naman si AJ kung anong kurso sa kolehiyo ang kukunin niya at kung saang paaralan niya ito kukunin.

“Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral at saka yung course na pag-aaralan ko po this year, pero mag-aaral po ako ngayon. Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin."

"Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, eh. Habang bata pa po ako, habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family, itutuloy ko yung pag-aaral ko. So, kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko rin naman po yun, babalik po ako sa showbiz."

Tututukan din umano ni AJ ang pagwo-work out para mas mapaganda pa ang pangangatawan.

Pero umamin pa si AJ na hindi lamang pag-aaral ang talagang dahilan kung bakit tinanggihan na niya ang pelikula. Hindi raw niya nagustuhan talaga ang script nang mabasa ito.

"Ayoko pong magsinungaling, pero may ganoon din po na part sa akin, kasi po parang nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi. Sa ngayon po, yung pagpapaseksi, no problem po sa akin 'yun. Gustung-gusto ko po yung pagpapaseksi. Natutuwa po ako na tinatawag kami na pantasya ng bayan," ani AJ.

"Siguro po, pagdating sa story, gusto ko po kung magpapaseksi ako, yung meaningful po. Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script."

Sa kabilang banda, hindi naman daw iiwanan ni AJ ang pagpapaseksi dahil doon umano siya nakilala ng mga tao.

HWala namang sey si AJ kung totoo ba ang chikang si Aljur Abrenica talaga ang nagsabi sa kaniyang tigilan na muna ang pagpapaseksi sa pelikula. Bagama't hindi pa kumpirmadong sila na nga, matatandaang nabanggit mismo ni Jeric Raval na 'nagmamahalan' ang kaniyang anak at si Aljur.