Makalipas ang ilang linggo matapos ang pasabog na proposal ni UP Maroons basketball superstar Ricci Rivero kay Kapamilya actress Andrea Brillantes para maging girlfriend nito noong Abril 9, sa mismong SM Mall of Asia Arena, muling flinex ni Ricci ang kaniyang jowa sa kaniyang IG.

Makikita ngayong Martes, Abril 19 sa kaniyang IG story ang litrato ni Blythe at mukhang suot-suot nito ang kaniyang basketball uniform.

No description available.
Andrea Brillantes (Screengrab mula sa IG/Ricci Rivero)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga viral videos na kinuha ng 23 anyos na basketball heartthrob ang mikropono sa Mall of Asia Arena, at saksi ang mga naroon ay tinanong ni Ricci ang 19 anyos na dalaga kung puwede bang maging sila.

"Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?" tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na 'YES' at 'NO'. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

"GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN," saad sa tweet ni Ricci.

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea sa kaniyang IG stories ang litrato niya na suot-suot ang damit na may YES habang may bouquet of flowers.

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

'Hi', sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

'Hello,' saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa't isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay 'Blythe'. Tinawag pa niya itong 'Drew'. Saad ni Ricci,

"Happy Birthday, drew! :))" saad ni Ricci.

Simula nang maganap ito ay nagsanga-sanga na ang mga isyu at muli pang naungkat ang umano'y iringan sa pagitan nina Andrea at Francine dahil kay Seth Fedelin.

Naglabas ng kaniyang pahayag si Seth sa pamamagitan ng kaniyang IG Live.

Gayundin ang ginawa ni Andrea.

Hindi naman nagustuhan ng ina ni Francine ang ginawa nina Andrea at Seth at naglabas ito ng sama ng loob sa social media, na napakalma rin naman.

Pati ang kapatid ni Chin (Francine) ay naglitanya na rin.