Ayon sa source ng showbiz insider na si Ogie Diaz, nagkatampuhan umano ang mag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez kasunod ng agaw-pansing “pagbura” ng singer-songwriter sa mga larawan ng asawa sa Instagram.

Sa episode ng Showbiz Update ng talent manager sa YouTube ngayong Martes, Abril 19, ibinahagi ni Ogie ang impormasyong nakuha mula sa isang source ukol sa estado ng mag-asawa.

Basahin: Moira, ni-like ginawang kanta ni Jason, naka-tag sa IG story sa kabila ng chikang hiwalay na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“May nakausap ako na nagkatampuhan lang yung dalawa,” ani Ogie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Teyorya ni Mama Loi, baka dahil sa “bugso ng damdamin” ay nagawa ngang burahin ni Moira ang mga larawan ni Jason.

Para naman kay Ogie, maaari naman aniya na inilagay lang sa “archive” at hindi tuluyang ibinasura ng OPM hitmaker ang bakas ni Jason sa kanyang IG.

“Pwede mong i-archives at ibabalik mo ulit,” ani Ogie sa pagtukoy ng isang feature ng social media platform.

Sunod na binanggit naman ng talent manager ang mapanuring fans na aniya’y mabilis makapansin sa online activities ng kanilang iniidolong celebrities lalo na ang pagbubura ng posts o larawan sa social media na kadalasa'y pinagmumulan ng isyu.

Kamakailan, nakasama pa nina Ogie at Mama Loi sa Pangasinan sortie ang mag-asawa para ikampanya si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

“Sabi ng source ko, may tampuhan ‘yung dalawa at normal lamang ‘yun. Confirmed na may tampuhan,” muling saad ni Ogie.

Nauna nang tinuldukan ni Jason ang mga kumalat na chismis sa pamamagitan ng isang tweet noong Sabado, Abril 16.

Basahin: ‘Hindi nangaliwa si Moira’: Jason, pinabulaanan ang hiwalayan umano nila ng singer – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid