Certified Kakampink si Kapuso actress Carla Abellana.

Sa kanyang higit isang minutong Instagram video kung saan isang makahulugang pagsusuot ng red lipstick ang nakunan, hayagan nitong naging bokal sa kanyang politika ngayong darating na halalan.

Makikita sa kanyang mga ginamit na hashtags para sa naturang video ang #LetLeniLead, #LetleniLead2022, #LabanLeni2022, at #IpanaloNa10ParaSaLahat, mga panawagan sa kampanya ng tanging babaeng kandidato sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nagbunyi naman ang kapwa Kakampink netizens at nagpasalamat sa matapang at hayagang pagsuporta ng aktres sa kandidatura ni Robredo.

Maging ang batikang aktres na si Agot Isidro ay nag-iwan din ng clapping emojis comment bilang pagpupugay sa naging pasya ni Carla.

Sa Mayo 9 nakatakdang ganapin ang 2022 national elections.