Hindi malaman ng longtime personal assistant ni Kapamilya actor Gerald Anderson na si Jalal Laidan kung paano pasasalamatan ang amo, matapos itong magregalo sa kaniya ng isang motorsiklo para sa kaniyang kaarawan.

Ibinahagi ni Gerald sa kaniyang Instagram noong Abril 13 ang video ng kaniyang pagsorpresa sa kaniyang PA matapos niyang ipagkaloob dito ang pinangarap na motorsiklo na Black Yamaha Aerox 155, na may presyong ₱112,900,

View this post on Instagram

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Matagal na niyang pangarap iyan so pagbibigyan naman natin siya, ang anak ng sultan," pahayag ni Gerald.

Lumabas ng gate ng bahay si Jalal at sinalubong ang amo na nakasakay sa isang motorsiklo. Maya-maya, kumanta na si Gerald ng 'Happy birthday' at ginaya na siya ng mga kasama.

Kitang-kita sa mukha ni Jalal ang labis na kasiyahan. Hindi mapagkit ang kaniyang ngiti sa labi. Wala ring humpay ang pagyakap niya kay Gerald.

“Thank you, Ge, thank you. Thank you, brother,” sey ni Jalal.

Kaagad na sinubukang paandarin ni Jalal ang bagong motorsiklo.

"Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr”, saad ni Jalal sa kaniyang IG post.

Sa panayam ng 'Magandang Buhay' kay Jalal noong 2019, sinabi niya na malaki ang pasasalamat niya dahil nabago ang kaniyang buhay dahil kay Gerald. Kahit paminsan ay nahuhuli siya nitong natutulog, naging maganda naman umano ang pakikitungo nito sa kaniya. Mapatutunayan umano niya na sadyang may malaki at ginintuang puso ang among Kapamilya actor.