Hindi lang sa evacuation center sa Baybay City sumadya ang aktres na si Angel Locsin para mamahagi ng relief packs, nagtungo rin ito sa pagamutan kung saan na-admit ang karamihang nakaligtas sa mapaminsalang landslides.

Sa ulat ng Baybay City Updates, makikita ang mga larawan ng aktres na nakikipag-daupang palad sa ilang survivors ng landslides sa Brgy. Katagnos nitong Lunes, Abril 18.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga sugatang residente sa Immaculate Concepcion Hospital (ICH) sa Diversion Area, Brgy. Cogon.

Kasama ng aktres ang kanyang asawa na si Neil Arce.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Ilang netizen naman mula sa Baybay ang mababasang abot-abot ang pasasalamat sa ipinamalas na kabaitan ng tinaguriang "real life Darna."

“Baybayanons love you so much DARNA. Thank you for your kindness😍. May God bless you more🙏🙏🙏

“May your heart will always belong to the needy people...we can not explain your generousity Miss Angel Locsin...God Blesed You always and more power💖💖💖

“Salamat mam angel sa pagbisita mo dito Baybay hulog kanang langit sa nangangailangan natin mga kapuso...💖💖💖

Hindi bababa sa 150 katao ang nasawi sa lungsod nang manalasa ang Bagyong Agaton.

Basahin: ‘Real life Darna!’: Angel Locsin, sumadya, nagpaabot ng tulong sa Baybay City sa Leyte – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid