Tinanggihan ni Viva sexy actress AJ Raval ang pagbida sa pelikulang 'Scorpio Nights 3' dahil umano sa balak niyang pag-aaral, ayon sa ginanap na virtual media conference ng pelikulang 'Kaliwaan' nitong Lunes ng gabi, Abril 18, 2022.

Dahil dito, pinalitan na siya ni Christine Bermas na talagang palaban din naman sa maiinit na eksena, lalo na sa pelikulang 'Sisid' nina Paolo Gumabao at Vince Rillon.

Mukhang hindi raw para sa kaniya ang naturang pelikula dahil sasabay ito sa balak niyang mag-enrol sa susunod na pasukan upang mag-aral. Mag-lie low raw muna siya sa pagpapaseksi sa pelikula para asikasuhin ang ibang goals niya ngayon sa buhay.

“Magagawa ko pa rin siya, pero parang may goal ako this year. Like, kunwari po, June po, pasukan. Plan ko po is mag-enroll ako this year," aniya.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

"Parang magla-lie low mo muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako."

“Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yun na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights."

Hindi naman daw ibig sabihin nito na hindi na siya magpapaseksi sa pelikula. Tutuparin daw niya ang pangarap na maging action star kagaya ng kaniyang amang si Jeric Raval.

Natanong naman si AJ kung anong kurso sa kolehiyo ang kukunin niya at kung saang paaaralan niya ito kukunin.

“Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral at saka yung course na pag-aaralan ko po this year, pero mag-aaral po ako ngayon. Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin."

"Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, eh. Habang bata pa po ako, habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family, itutuloy ko yung pag-aaral ko. So, kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko rin naman po yun, babalik po ako sa showbiz."

Tututukan din umano ni AJ ang pagwo-work out para mas mapaganda pa ang pangangatawan.

Samantala, hindi naman nabanggit kung isa rin ba sa mga dahilan ng kaniyang paglie-low ay ang rumored boyfriend na si aljur Abrenica.

Matatandaang ibinuking na mismo ni Jeric sa isang press conference na nagmamahalan umano ang anak at si Aljur.

Kung gayon, ang pelikulang 'Kaliwaan' ang huling sexy movie na gagawin ni AJ kung talagang final decision na ang sinasabi niyang pagla-lie low sa paggawa ng mga ganitong tema.