Ibinida ni Pop superstar Ariana Grande ang kaniyang collection ng make up line na 'R.E.M. Beauty' na available na sa Ulta physical stores at website nitong Easter Sunday, Abril 17.

Makikita ang mga litrato niya sa kaniyang Instagram post katabi ng kaniyang beauty items gaya ng eyeshadow, eye balm, mascara, at iba pang skincare items. Kapansin-pansin din na all-pink ang kaniyang outfit.

"Today’s the day !!!!! @R.E.M. beauty is now available in select @ultabeauty stores nationwide and on ulta.com ~ i can’t even begin to tell you how excited and thankful I am. I so hope you enjoy! thank you endlessly @ultabeauty," ayon sa kaniyang caption.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Screengrab mula sa IG/Ariana Grande

Screengrab mula sa IG/Ariana Grande

Samantala, marami naman sa netizen na Pilipino sa comment section ng Manila Bulletin kung saan naibalita ito, na pabirong nagsabing isang 'Kakampink' si Ariana, o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.

"Si Leni ang dahilan kaya natupad ang panaginip niya."

"Ariana Grande really admires pink since she was a kid not for LENI."

"Dilawan si Ariana."

"Breaking news: Ariana Grande, KAKAMPINK!"

"Thanks Ariana for supporting our Mama Leni for wearing pink!"

Samantala, mapapansin sa comment section na nagbigay rin ng kaniyang reaksyon dito ang kontrobersyal na personalidad na si Valentine Rosales, isa sa mga naugnay sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, sa unang araw ng Bagong Taon noong 2021.

"Porke't naka-pink sasabihin n'yo na naman binayaran si Ariana," aniya.

Ilang mga netizen naman ang nagkomento sa kaniya. Isang netizen ang pinagsabihan siya.

"Porke't verified feeling relevant na clout chaser lang naman. SMH," saad nito.

Tumugon naman dito si Valentine, "Abangan n'yo ang part 2."

Screengrab mula sa Manila Bulletin at FB/Valentine Rosales

Bagama't hindi tinukoy kung anong part 2 ang ibig niyang ipahiwatig, suspetsa ng mga netizen ay tungkol ito sa kaniyang 'Story Time' hinggil sa engkuwentro niya sa isang convenience store, na napag-alaman naman ng Balita Online na sarado umano ang branch na kaniyang binanggit sa kaniyang FB post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/">https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

Nagsanga-sanga ang isyung ito hanggang sa makasagutan niya si 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza. Ibinuking ni Xian na si Valentine daw ay hindi umano talaga Kakampink at 'binayaran' daw siya upang manira.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/">https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/

Kaagad namang humingi ng dispensa si Valentine sa kaniyang mga nasabi, lalo't pati ang mga kasama niyang nasangkot sa Christine Dacera case ay sinita na rin siya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/dacera-case-nauungkat-mga-kaibigang-nadawit-nanggigil-tinawag-na-cheap-si-valentine/">https://balita.net.ph/2022/03/15/dacera-case-nauungkat-mga-kaibigang-nadawit-nanggigil-tinawag-na-cheap-si-valentine/

Samantala, naging trending ang pangalan ni Ariana Grande noong Marso 20 dahil sa Pasig sortie ng Leni-Kiko tandem. Pumukaw sa kaniyang atensyon ang pagkanta ng mga Kakampink sa kaniyang awiting 'Break Free'.

"This is the part when I say I don't want ya. I'm stronger than I've been before. This is the part when I break free. 'Cause I can't resist it no more,” pag-awit ng libo-libong Kakampink supporters sa video na ibinahagi ni Ariana sa kanyang IG story.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/leni-kiko-rally-sa-pasig-umagaw-ng-atensyon-ni-american-popstar-ariana-grande/">https://balita.net.ph/2022/03/21/leni-kiko-rally-sa-pasig-umagaw-ng-atensyon-ni-american-popstar-ariana-grande/

“I love you more than words,” saad pa nito.