Nagsalita na isang panayam ang aktres na sinasabing naging dahilan kung bakit umano humantong sa hiwalayan ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Erin Ocampo noong Abril 8, 2022 sa 6th PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament sa Powerplay Badminton Center, masyado lang daw binigyang-malisya ng mga tao ang pagkakaibigan nila ni Aljur. Naglalaro pa nga raw sila ng badminton. Hindi raw siya nainis kay Aljur at hindi rin natawa sa isyu kundi patay-malisya lamang.

Sa ngayon daw, wala na silang komunikasyon ni Aljur at matagal na silang magkaibigan nito, simula nang magkahiwalay sila ni Kylie.

"Hiwalay na sila, naging magkaibigan kami, as in, si Kylie nandoon na kay Robin (Padilla) gano'n. Kaya nagulat ako after a year, 'Totoo ba?' Tapos may boyfriend na ako, ang tagal na no'n."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa mga lumutang na 'third party' raw ay pangalan niya, subalit mas grabe nga lang kay AJ Raval dahil naispatan sila ng mga tao na magkasama.

Nang mga panahon na iyon ay may jowa siyang Nigerian. Inamin niya na hiwalay na sila dahil nahuli niya ito sa akto at tigas daw ang mukha sa pagtanggi, kahit huling-huli na niya.

"Wala na. Kahit after 2017 yung last relationship ko… Siya yung una ko uling pinost ha, 2021. Magwa-one year dapat. May mga misunderstandings, pero yung huli, nahuli ko siya, caught in the act," aniya.

Sinampal at tinadyakan na lamang niya ito at doon na sila naghiwalay. Sa ngayon daw, nakapokus sa kaniyang showbiz career si Erin. Kabilang siya sa cast ng upcoming teleserye ng Kapuso Network na 'Raising Mamay' na pagbibidahan ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas.

Bukod kay Erin, ang talagang naputukan at napagbalingan nga ng atensyon at sisi ng madlang pipol ay si AJ Raval dahil sa kasagsagan ng hiwalayan, naispatan silang magkasama sa isang mall.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/">https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/

Nilinaw naman ni Kylie mismo na hindi si AJ ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/02/kylie-padilla-sa-pagkakaugnay-ni-aljur-kay-aj-raval-there-is-no-issue/">https://balita.net.ph/2021/10/02/kylie-padilla-sa-pagkakaugnay-ni-aljur-kay-aj-raval-there-is-no-issue/

Sa ngayon, inamin ng mismong ama ni AJ na si Jeric Raval na 'nagmamahalan' ang anak at si Aljur.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/aj-at-aljur-nagmamahalan-daw-buking-ni-jeric-nasasaktan-kapag-tinatawag-na-kabit-ang-anak/">https://balita.net.ph/2022/03/26/aj-at-aljur-nagmamahalan-daw-buking-ni-jeric-nasasaktan-kapag-tinatawag-na-kabit-ang-anak/

Pero kung tatanungin daw si Jeric, syempre, mas gusto raw niyang binata, 'walang sabit', o walang pananagutan sa ibang babae ang jojowain ng anak. Nasasaktan daw siya kapag sinasabihang 'kabit', 'kerida', o 'other woman' ang anak niya.