Napa-wow ang mga netizen kay 'real-life Darna' Angel Locsin matapos niyang ipakita ang kaniyang kaseksihan habang nagbabakasyon sila sa Boracay ng mister na si Neil Arce, nitong Semana Santa.

"Resting beach face," saad niya sa caption sa IG post niya noong Abril 14 habang nakaupo siya sa dalampasigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/18/angel-locsin-kabogera-sa-bora-umanggulo-huwag-manggulo/">https://balita.net.ph/2022/04/18/angel-locsin-kabogera-sa-bora-umanggulo-huwag-manggulo/

Agad naman itong umani ng iba't ibang papuri mula sa mga netizen, lalo na sa mga kaibigan niyang celebrity. Pinuri din ng mga netizen ang kaseksihan ng versatile actress-philanthropist.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Walang kupas talaga sa miss @143redangel super ganda pa rin balik ka na po sa teleserye."

"So pretty talaga 'yan ang bait pa."

"Sexy ni madam!"

"How to be drop dead gorgeous like you po?"

"Nothing has changed about you Ms Angel. You are truly the most gorgeous lady alive Ms Angel…"

Sa kabila ng good vibes na dulot ni Angel sa kaniyang mga tagahanga, may ilan pa ring netizen na kinuwestyon ang pagtungo niya sa Boracay gayong kritiko umano siya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dapat daw ay magpasalamat si Angel kay PRRD dahil umano sa naging proyekto nito na pagandahing muli o sumailaim sa rehabilitasyon ang naturang sikat na tourist spot sa Pilipinas.

"Ganda na Boracay noh? Thanks to President Rodrigo Duterte’s leadership. Enjoyyyyyy."

"Wala bang Thank You PRRD dyarn? Ganda ng rehabilitation no?"

"Uy pa thank you sad ni PRRD angel uy…"

May ilan pang naging 'below the belt' at sinabing nakarma raw si Angel kaya hindi pa sila magka-anak ng mister na si Neil Arce.

Ngunit ang hindi pinalagpas ni Angel ay ang isang netizen na nagsabing ka 'buang' siya dahil maka-anti Duterte umano siya pero nakuha umano niyang mag-posing-posing sa Boracay.

"Yung anti-Duterte ka tas binabash mo project niya sa Boracay pero nagpunta ka do'n. Nagposing-posing pa (tawa). Aguy nabuang ang Darna n'yo," saad ng naturang basher.

Sagot naman ni Angel, "Aguy… una, kelan ko binash??? And last time I checked, pag-aari pa naman ng buong Pilipinas ang Bora. Punta ka rin!"

Screengrab mula sa Twitter/Angel Locsin

Todo-tanggol naman sa kaniya ang mga netizen.

"Sa nag-bash po unang-una kahit nagkaproyekto kahit sinong pulitiko sa anomang lugar eh hindi nila pera 'yun, pera 'yun ng mga mamamayan na nagbabayad ng tax… kaya lahat puwedeng pumunta o mamasyal…"

"Sad to say, maraming Pilipino na ang naging mangmang at nawalan ng respeto sa tao. Konting kibot ng kung sino binabash na wala namang dahilan, katuturan at totoong katibayan. Napakababa ng kalidad ng pagkatao n'yo. Ikumpara ang sarili sana sa ibinabash. Mas maraming natulungan si Angel kaysa sa taong ito at mga idolo niya. Mga artista ang itinutulong ay sariling pera at ng private donations. Mga idolo n'yo ang tinutulong sa inyo pera ng taong bayan. May malaking pagkakaiba po. Kalurky."

"Bashers, inggit ka lang kasi hindi ka makapunta, ha, ha, ha."

"Aguy basag ang basher hahaha hindi na lang kasi manahimik."

Sa kasalukuyan ay hindi na mahanap ang naturang palitan ng tweets sa account ni Angel.