Napa-wow ang mga netizen kay 'real-life Darna' Angel Locsin matapos niyang ipakita ang kaniyang kaseksihan habang nagbabakasyon sila sa Boracay ng mister na si Neil Arce, nitong Semana Santa.

"Resting beach face," saad niya sa caption sa IG post niya noong Abril 14 habang nakaupo siya sa dalampasigan.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Agad naman itong umani ng iba't ibang papuri mula sa mga netizen, lalo na sa mga kaibigan niyang celebrity.

Kakai Bautista: "GRABE NAMAN PO ANO?! @therealangellocsin Kaya pala kanina pa ako pawis na pawis dinagdagan mo na naman ang INIT!!!!!!!"

Dimples Romana: "Mars ko 'yan!"

KaladKaren Davila/Jervi Li: "Sexyyyyy te gel."

Chito Miranda: "Beach na!!! Game!!!"

Eric John Salut: "Panalo!!! Bakit ganun? Nakaupo ka lang naman, walang effort pero bakit ang lakas ng dating mo, Queen?"

Emojis na may heart naman ang pinakawalan nina Kim Molina, Loisa Andalio, Camille Prats, at mismong asawang si Neil Arce.

Noong Abril 15 naman, ibinahagi niya ang mga litrato nila ng mister habang katatapos lamang magtampisaw sa swimming pool.

"First vacation in almost 3 years," ayon sa caption. Makikitang nagkomento rito sina Bea Alonzo at Marian Rivera.

Angel Locsin at Neil Arce (Screengrab mula sa IG/Angel Locsin)

Huli naman ay ipinakita niya ang pangangabog niya habang nakababad sa swimming pool, suot ang orange bikini na kita ang pisngi ng kaniyang boobey.

"Umanggulo. Huwag manggulo," aniya sa caption.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Sinabi ni Angel sa panayam kay showbiz columnist Ogie Diaz na proud siya sa kung ano ang lagay ng katawan niya ngayon dahil ang mahalaga naman daw, gandang-ganda sa kaniya ang mister.

Naibahagi rin ni Angel na sa ngayon ay nag-eenjoy muna sila ng mister na silang dalawa lamang. Hindi pa kasi uubra ang pagbubuntis dahil may 'Hashimoto disease' pa siya, o problema sa thyroid glands.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/05/angel-locsin-wala-pa-sa-planong-magbuntis-may-hashimoto-disease/">https://balita.net.ph/2022/04/05/angel-locsin-wala-pa-sa-planong-magbuntis-may-hashimoto-disease/