Nakatakdang manumpa sa Abril 27 ang mga bagong pumasa sa Dentist Licensure Examination, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sinabi ng PRC, sa isang advisory, na ang seremonya ay isasagawa alas-10 ng umaga at ito ay pangungunahan ng PRC Iloilo, Legazpi, at Tuguegarao.

“Inductees shall wear formal or business attire and use white [physical or virtual] background throughout the ceremony. [They] are required to print [the] Oath of Professional form that is downloadable at PRC online services,” anang PRC.

Samantala, inutusan din ang mga inductees na kumuha ng online appointment schedule para sa seremonya sa website ng PRC. Magsasara ang pagpaparehistro limang araw bago ang virtual oathtaking day.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Charlie Mae F. Abarca