Sa edad na 90-anyos, pumanaw na ang beteranang aktres na si Gloria Sevilla noong Linggo, Abril 16.

Ayon sa isang Facebook post ng batikang brodkaster na si Sam Costanilla, namayapa ang aktres sa California sa Amerika.

“Gloria Sevilla, Queen of Visayan Movies, has died in the US. She was a Sibonganhon. Tita Glo was 90 when she passed,” mababasa sa post ni Costanilla.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Screengrab mula Facebook

Sa murang edad nagsimula sa kanyang karera sa pelikula ang batang Gloria mula 1950s at 1960s.

Kabilang sa mga pinagbidahang pelikula ni Gloria ang “Gloria Akong Anak,” “Gimingaw Ako” bukod sa iba pa.

Bumida rin sa maraming Tagalog movies ang Visayan actress.

Dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa pelikulang Bisaya, kalauna'y tinawag si Gloria bilang “Queen of Visayan Movies” ng industriya.