Mga sikat na banda, at maningning na Kapuso at Kapamilya celebrities ang mapapanuod sa tinaguriang “Festival Rally” ng UniTeam sa Cebu City bukas, Lunes.

Kabilang sa mga dadalo ang actress-host na si Toni Gonzaga, Andrew E, DJ Loonyo, Michael Pangilinan, Daryl Ong, Bugoy Drilon, Katrina Velarde, Dea Formilleza, at J Roa.

Makakasama rin sa rally ang Kapuso actors na sina Mark Herras at Rodjun Cruz. Kabilang din si Bayani Agbayani sa nasabing sortie.

Ang mga bandang Aegis, Shamrock, Plethora, Magnus Haven, Hale, ILT Band, Dukes band, Sexbomb NewGen Girls, at Silent Sanctuary din ang kabilang sa mga manghaharana sa mga tagasuporta nina Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa City di Mare, Filinvest Ground, SRP Coastal Road gaganapin ang “Festive Rally Cebu: One Island, One province, One Cebu.”

Larawan mula Lakas-Christian Muslim Democrats via Facebook