Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra upang makuha muli ang titulo sa PBA Season 46 Governors' Cupnangpataubin naman ang Meralco, 115-110 sa Smart-Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Kumana nang husto si Justin Brownlee sa naipong 40 puntos at 11 rebounds.

Tumulong din ang mga kakamping sina Scottie Thompson sa nakubrang19 puntos, siyam na rebounds at 11 assists habang si Christian Standhardinger ay nakagawa naman ng 13 puntos, kabilang ang anim sa huling bahagi ng laro.

Naka-16 puntos naman si Arvin Tolentino

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“We did a great job of making shots all night. Just big shots the whole game. I didn’t think it was sustainable but we were able to sustain it for 48 minutes," sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

Kahit kumubra ng 30 at 15 rebounds si Tony Bishop, hindi pa rin nito naipanalo ang Meralco.

Kumana rin ng 27 puntos si Chris Newsome habang si Aaron Black ay nakaipon ng 25 puntos.

Ang nabanggit na laro ay dinagsa rin ng 18,251 fans, ang pinakamataas na bilang mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.