Isang makahulugang Facebook caption ang mababasa sa pinakahuling shared post ng batikang aktres na si Rita Avila.

Sa pagbabahagi ng isang post tampok ang track record ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo, tila hindi nagtimpi ang aktres na magbitaw ng maanghang na salita.

Aniya, “Sana ay wag mong isipin na pinipilit kita lumipat. NOPE. Isa kang alimango na mahilig mamintas at mantapak ng mas mataas sa'yo 'di ba? Isa kang tahong sa dagat na nakakapit sa mga madumi.”

Wala namang direktang pinatutungkulan ang aktres sa kanyang post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Gayunapaman, pawang mensahe ito sa kanyang followers na nananatiling undecided o ayaw iboto ang kanyang manok sa pagkapangulo na si Robredo.

“Choice mo 'yan. Go anak/kapatid. Hindi mo pa araw na matuto. Darating din yun. Mahal ka ng Diyos,” saad ng aktres.

Kamakailan ay dinepensahan ang aktres ang kapwa niya mga celebrities na boluntaryong sumasama o nagtatanghal sa mga campaign sortie ni Robredo.

“Sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan. Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo,”aniya.

Basahin: ‘Walang arti-artista dito’: Rita Avila, may pakiusap sa bashers ng celebrity Kakampinks – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Rita ay isa sa mga aktibong celebrity Kakampink na nakikiisa sa mga house to house campaigns at grand rally ni Robredo at ng running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.