Nagbakasyon ang pamilya Dantes sa El Nido Palawan ngayong Holy Week kasabay ng selebrasyon ng ikatlong kaarawan ni Sixto.

Sa serye ng mga larawang ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, makikita ang bunsong anak na si Sixto na all-smile background ang nakabibighaning view ng karagatan sa Palawan.

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! 🥳 I’m so happy to see you grow and learn everyday ☺️ You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak! ♥️” mensahe ni Marian sa anak sa kanyang Instagram post nitong Sabado.

Sa hiwalay na Instagram post, isang nakakaantig na birthday message din para kay Sixto ang mababasa mula kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Take it all in, my son. These will all help you turn your wonderful dreams into reality — dreams that will be more powerful than challenges that would lie ahead,” saad ni Dingdong sa larawan ni Sixto kasama ang ina.

Bumuhos naman ang online greetings para kay Sixto mula sa malalapit na kaibigan at kasamahan sa showbiz ng celebrity couple.

Sa isang luxury resort na Pangulasian Island sa El Nido Palawan napiling ipagdiwang ng Dantes family ang espesyal na kaarawan ni Sixto.