Tinuldukan na ng musikero at mister ni Moira Dela Torre na si Jason Marvin Hernandez ang pinag-usapan kamakailan ukol sa hiwalayan umano nila ng singer.

Matatandaang Huwebes, Abril 14, nang umagaw ng atensyon sa Twitter ang umano’y pagbura ni Moira ng mga larawan ni Marvin sa kanyang Instagram account.

Agad na kumalat ang tsismis dahilan para maging trending topic ang singer.

Basahin: Moira, trending sa Twitter; hiwalay na raw sa mister na si Jason? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dahil kilala sa kanyang mapanakit na mga kanta, todo-react agad ang netizens sabay hirit ng isang heartbreaking album mula kay Moira.

Low-key namang agad na pinabulaanan ni Moira ang usap-usapan matapos i-like ng singer ang kantang ginawa ni Jason at tinag at minention pa ang asawa sa isang Instagram story kasama ang online star na si Mimiyuuuh, parehong araw ng Huwebes.

Basahin: Moira, ni-like ginawang kanta ni Jason, naka-tag sa IG story sa kabila ng chikang hiwalay na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Sabado, Abril 16, tinuldukan na nga ni Jason mismo ang mga kumalat na chismis ukol sa kanila ni Moira.

https://twitter.com/jasonmarvinph/status/1515260546245099524

Sa siang tweet, nilinaw ni Jason na nananatili silang mag-asawa ni Moira, hindi ito nangaliwa, walang naganap na nakawan ng pera, at mabuti ang Diyos.

Nilinaw din ng musikero na parehi nilang sinusuportahan bilang kandidato sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo.

Agad namang nabunutan ng tinik ang fans ng mag-asawa. Pabiro pa ng isang fan, wala nang aasahang “Paubaya” na 10 minute version.

Kinasal sina Moira at Jason Enero noong 2019 sa isang enggrandeng garden wedding.