Naloka ang Pinoy netizens matapos maging laman ng Tiktok video ni Bella Poarch, sikat na Filipino-American singer, si Joshua Garcia kamakailan.

Sa kanyang Tiktok video, makikitang umaarteng nagluluto ang online personality gamit pa ang green apples.

Sa pitong segundong Tikton content, biglang hahalo sa video ni Bella ang imahe ni Joshua habang naggigitara, sabay paglabas ng mga salitang “My brain” na tila nagpapahayag ng pagpapantasya ni Bella sa aktor.

Tumugon naman ng heart emoji bilang comment si Joshua sa nasabing video dahilan para magwala sa kilig ang Pinoy fans.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Sa kanyang higit 89 milyong followers, ang nakakatawang sigaw ng Pinoy netizens kay Bella: “Walang sikat-sikat dito, pumila ka.”

Tumabo na ng mahigit 12.7M views ang nasabing Tiktok video sa pag-uulat.

Kilala si Bella sa kanyang smash hit debut single “Build a Bitch” noong Agosto 30.