May sentimiyento ang komedyanteng si Pokwang kasunod ng umano’y “malisyusong”’ pag-atake kamakailan sa panganay ni Vice President Leni Robredo. May banat pa ito ukol sa isang klase ng “ina.”

Basahin: Robredo, inakusahan ang Marcos camp sa “malisyosong” pag-atake laban sa kanya at sa pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naunang itinuro ni Robredo ang kampo ng kanyang matinding karibal sa Palasyo na si Bongbong Marcos Jr. na aniya’y nasa likod ng kumalat na malisyusong link laban sa kanyang panganay na si Aika.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Marcos Jr. at sinabing hindi na mapapaniwala ni Robredo at ng kanyang “yellow crew” dahil gising na ang mga Pilipino sa mga propaganda, kasinungalingan at politika ng panlilinalang.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Basahin: Kampo ni BBM, bumuwelta sa akusasyon ni Robredo: ‘Tama na ang panlilinlang’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dahil sa pahayag ng kampo ni Marcos ay tila lumalabas na naging “pain” lang si Aika at palabas lang ng kampo ni Robredo ang "mapanirang" links.

Hindi naman ito benta para sa Kapuso comedian-actress at certified Kakampink na si Pokwang.

Sa kanyang tweet, isang maanghang na birada ang binitawan nito para pabulaanan ang umano’y “palabas” lang ng kampo ni Robredo.

“Hindi magagawa ng isang ina na ipain ang anak sa napaka-duming laban para lang sya ay magwagi sa kanyang hangarin, NO NO NO!!!” ani Pokwang sa isang tweet nitong Miyerkules.

Sunod naman nitong pinasaringan ang isa pang klase ng “ina.”

“Pero may kilala akong ina binuhay ang mga anak sa pera ng bayan kakaloka deba???” maanghang na saad ni Pokwang.

https://twitter.com/pokwang27/status/1514111848156889088

Walang mang binanggit na pangalan ay may ilang umalma sa tweet ng komedyante na agad naman niyang dinepensahan.

Isa sa mga masugid na celebrity Kakampinks si Pokwang.