PANGASINAN - Dinakip ng mga pulis ang isang barangay kagawad at limang iba pa matapos maaktuhang nagtutupada sa Brgy. Pangalangan, San Carlos City nitong Huwebes Santo.

Si Virgilio Mondares, 61, kagawad sa nasabing lugar, kasama sina Romy Ventura, 50; Ernesto Benitez, 63; Dionisio De Guzman, 69; Marlon Soriano, 43; at Elmar Jimenez, 20, pawang taga-Brgy. Quintong, San Carlos City, ay nakakulong na sa San Carlos City Police.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis kaugnay ng nabistong nagsasabong sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakatakas ng mga suspek nang arestuhin sila ng raiding team.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam sa mga suspek ang isang manok na panabong at taya na nagkakahalaga ng₱1,750.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang mga suspek.