Isang pakiusap ang hiling ng online star na si Donnalyn Bartolome para sa kaibigang si Zeinab Harake kasunod ng kanyang pagluluksa sa anak at umugong na usaping hiwalayan sa pagitan nila ni Skusta Clee.

Ikinagulat ng followers ng social media darling na Zeinab ang pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang pagluluksa sa baby number two sana nila ng singer na si Daryl Borja o mas kilala bilang si Skusta Clee.

Dahil sa hindi niya pagbanggit sa kanyang partner ay lalong umugong ang usapan ukol sa paghihiwaly ng dalawang online celebrities.

Basahin: Zeinab Harake, nakunan sa pangalawang baby; dedma na kay Skusta Clee? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Sa kabila ng mga usap-usapan, isang pakiusap naman ang hiniling ng kaibigan ni Zeinab na si Donnalyn lalo pa't masakit na yugto ang pinagdadaanan nito sa ngayon.

“Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you’d feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life,” saad ni Donnalyn.

Isang makahulugang pagtatapos naman ang binitawan nito.

“I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything,” aniya.

Wala pang kumpirmasyon sa parehong panig ang isyu ng hiwalayan ngunit nauna nang in-unfollow ni Zeinab ang Instagram account ni Skusta kamakailan.