Winasak at sinunog ng mga awtoridad ang taniman ng marijuana sa magkakahiwalay na lugar sa Tinglayan, Kalinga nitong Biyernes Santo.

Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP)-Drug Enforcement Group, nadiskubre ng kanilang Special Operations Unit ang 1,000 metro kuwadradong marijuana plantation site sa Barangay Butbut Proper. 

Kaagad na binunot at sinunog ang mga tanim na marijuanana na nagkakahalaga ng ₱13 milyon.

Sa ikalawang operasyon, aabot naman sa ₱2 milyong halaga ng marijuana ang nadiskubreng nakatanim sa 6,500 metro kuwadradong lupain sa Brgy. Loccong na agad ding winasak at sinilaban.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, sinabi ng mga pulis na wala silang naaresto sa sunud-sunod na operasyon laban sa iligal na droga.