Ibinahagi ng social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake na nagluluksa siya sa pagkawala ng kanilang pangalawang baby ng karelasyong si Skusta Clee o Daryl Borja sa tunay na buhay, matapos niyang makunan.

"My baby boy rest ka na mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. Be our forever angel mommy loves you so much," ayon sa caption ni Zeinab, sa kaniyang Facebook post noong Abril 11, 2022. Mababasa na ang ipinangalan ni Zeinab sa anak ay 'Moon Harake'.

Screengrab mula sa FB/Zeinab Harake

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

May be an image of person, child, standing and indoor
Screengrab mula sa FB/Zeinab Harake at baby Bia

Marami ang nakapansin na hindi na niya binanggit o nai-tag sa post ang partner na si Skusta Clee. Matapos nilang magkahiwalay dahil umano sa 'third party', muli silang nagkabalikan noong 2021 hanggang sa nagkaroon na sila ng anak na si Baby Bia.

Nakapagbigay pa ng sweet birthday message si Skusta Clee kay Zeinab sa kaarawan nito noong Disyembre 11, 2021.

"Happy birthday mameh sauce ng buhay ko! Sobrang proud ako sa 'yo mahal na mahal kita," aniya.

Ngayon ay muli na namang lumutang na baka nagkakalabuan na naman ang dalawa lalo't inunfollow na ni Zeinab ang IG account ni Skusta Clee. Wala pang kumpirmasyon ang magkabilang kampo tungkol dito.