Trending sa Twitter ang pangalan ng anak ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na si Iñigo Pascual dahil sa mga kumakalat umanong litrato nito kung saan makikita ang maselang bahagi ng kaniyang katawan, bagama't hindi naman kita ang mukha kaya hindi rin kumpirmado kung siya ba talaga iyon.

Ang tanging naging batayan ng mga netizen para sabihing sa kaniya ang kumakalat na litrato ay ang tattoo sa bandang singit niya. Abril 13, Miyerkules Santo, bumalaga na nga sa Twitter ang naturang litrato.

Ayon sa suspetsa ng mga netizen, baka ito raw ay black propaganda lalo't naglabas na rin ng pagsuporta ang tatay niyang si Papa Pi para kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Nanawagan naman ang mga netizen na sana raw, huwag nang ipakalat pa ang naturang leaked photo, kagaya ng pagprotekta sa anak ni VP Leni na si Aika Robredo, na kamakailan lamang ay nabiktima rin umano ng pekeng balita tungkol sa pagkakaroon ng hindi kanais-nais na video.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Ipinagkibit-balikat na lamang ito ni Aika at sa halip ay mas nagpokus sa ginagawa niyang pangangampanya para sa ina, bagama't kumikilos na ang awtoridad upang matunton kung sino nga ba ang nasa likod umano nito.

Narito naman ang panawagan ng mga netizen tungkol sa leaked photo ni Iñigo:

"Look at y'all thirsting about Iñigo Pascual leaked pic? Why not give the same energy in protecting him just like we do when a lady gets her noods spread?"

"Authentic or not, the contrast between people’s reactions to what happened to aika and iñigo are so disappointing. We were rightfully mad when Aika got brought up pero literally 2 days later, Iñigo gets sexualized to no end? Quit the double standards lol nakakasuka kayo."

"WTF is wrong with people rin??? There's so many 'minors' that's using Twitter and want to 'send' Iñigo's pic for what???? To feed your curiosity?? Stop sexualizing a guy or even a woman. STOP SEXUALIZING A PERSON."

"It's a leaked photo right? and I think it's really inappropriate to spread that. I'm not in the position to say this, but just a reminder thatI ñigo Pascual also deserves respect just like any other human being. sexualizing him or spreading that picture is too disrespectful."

Image
Screengrab mula sa Twitter/Iñigo Pascual

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Piolo o maging si Iñigo tungko dito, bagama't makikitang nag-post sa Instagram ang huli noong Abril 13.

"I like it ……." caption niya sa unang IG post kalakip ang mga litrato niya habang nakaupo sa isang bench. Sa likod niya, makikita ang malalaking art works. Pinutakti ito ng mga 'online marites' na nagtatanong sa kaniya tungkol sa naturang leaked photo.

Sa isa pang IG post, makikita namang nakaupo siya sa isang upuan at may caption na "Work in silence."