Tila pasimpleng pinabubulaanan ni Moira Dela Torre ang usap-usapan ng mga netizen sa social media na hiwalay na sila ng mister na si Jason Hernandez.

Nitong Abril 14 ng umaga ay bumulaga at nangunguna sa trending list ng Twitter si Moira dahil sa chikang hiwalay na umano sila ng kaniyang mister na si Jason.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/14/moira-trending-sa-twitter-hiwalay-na-raw-sa-mister-na-si-jason/">https://balita.net.ph/2022/04/14/moira-trending-sa-twitter-hiwalay-na-raw-sa-mister-na-si-jason/

Batay sa tweets ng mga netizen, napansin umano nila na burado na ang mga Instagram posts ni Moira, video man o litrato, na kasama ang mister na si Jason.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hindi rin umano nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizen na pinalitan daw niya ang social media name niyang 'Moira Rachelle Hernandez' at ginawa na lamang itong 'Moira Rachelle'.

Sa Instagram naman ni Jason, naroon pa ang mga posts niya na kasama ang misis, subalit palaisipan sa mga netizen ang kantang ginawa niya. May pamagat itong 'Wag Kang Lalapit'.

"Wag kang lalapit diyan ka lang

At baka makita ang lahat ng aking kahinaan

Pilit kong tinakpan."

"At Kung malaman mo kaya,

mga kasalanang nagawa, kaya bang matanggap

Pag di na ako nagpanggap."

"Prechorus:

Hindi na ko yun

Sana’y mabigyan ng pagkakataon…"

"Chorus:

Iibigin mo pa ba ako? Pipiliin mo pa ba ito?

Nakaraang pinagsisihan, gusto ko nang makalimutan, hanggang diyan ka na lang, kung ayaw mong masaktan.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"WTF I was just about to sleep, but then I saw a vid on TikTok saying that Moira Dela Torre and Jason parted ways??????? Yoooo WTF is happening!!!???????? April you're too much."

"OMG how true this?? Mukhang nangyari na ang mga hugot songs ng ate mo?"

"She changed it from Moira Rachelle Hernandez to Moira Rachelle, but Jason hasn't removed the 'married to' info on his Facebook yet, so is there still hope?"

Isang TikTok user naman ang gumawa pa ng video tungkol dito.

Ngunit ngayong hapon din, Abril 14, makikitang ni-like ni Moira ang kantang ginawa ni Jason, at tinag at minention pa ito sa kaniyang Ig story kasama ang sikat na social media personality na si Mimiyuuuh. Magkakasama sila sa ibang bansa, kasama ang bandang 'I Belong To The Zoo'.

Moira Dela Torre at Mimiyuuuuh (Screengrab mula sa IG/Moira Dela Torre

Screengrab mula sa IG/Jason Marvin Hernandez

Screengrab mula sa IG/Jason Marvin Hernandez

Isang Facebook fan page naman na 'Best of Moira' ang naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito. May titulo itong 'MISINFORMATION' kalakip ang screengrab na mga litrato mula sa TikTok user na unang nagpakalat ng mga detalye tungkol dito.

“We are here to inform everyone that the rumors circulating online about Moira Dela Torre and Jason Marvin’s separation is not true."

“To each and every one of us including the media, let’s be accountable in spreading news on social media by fact-checking as there are cases for those who are spreading fake news about individuals like Moira and Jason."

“Furthermore, let’s stop spreading the issue without the official statements of our most loved couple. Thank you and stay safe everyone."

Screengrab mula sa FB/Best of Moira

Screengrab mula sa FB/Best of Moira

Ikinasal sina Moira at Jason noong Enero 14, 2019 sa pamamagitan ng isang garden wedding.

Samantala, wala pang reaksyon, tugon o opisyal na pahayag sina Moira o Jason tungkol sa kumakalat na chikang ito sa social media.