Nagbabalik-Kapuso ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto matapos niyang pumirma bilang artist ng Sparkle GMA Artist Center, ayon sa kaniyang latest social media post.

I’m ready to shine and sparkle @sparklegmaartistcenter @gmanetwork… Welcome to ME!" saad sa caption ng social media post.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May be a closeup of 1 person
Larawan mula sa FB/Rufa Mae Quinto

Pagkatapos ng halos mahigit dalawang taong paninirahan sa US kasama ang kaniyang asawa at anak ay hindi akalain ng komedyanang aktres na muli pala siyang tutuntong sa gusali ng Kapuso Network, matapos niyang maging Kapamilya. Matatandaang ang huling proyekto ni Peachy sa ABS-CBN bago ito mawalan ng prangkisa at magkaroon ng pandemya ay ang sitcom na 'Home Sweetie Home' nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Sinasabing muling sasabak sa gag show na 'Bubble Gang' si Rufa Mae na kamakailan lamang ay naging usap-usapan ulit matapos maispatan sa campaign rally ng UniTeam. Nauna na siyang maging guest sa 'Family Feud' hosted by Dingdong Dantes.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/">https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/

Hindi lamang iyon, naispatan din siya sa campaign rally ni presidential candidate at Senador Manny Pacquiao, at dito ay nag-hello sa madlang pipol ang kaniyang boobey.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/09/boobey-ni-rufa-mae-dumungaw-sa-campaign-rally-ni-sen-pacquiao/">https://balita.net.ph/2022/04/09/boobey-ni-rufa-mae-dumungaw-sa-campaign-rally-ni-sen-pacquiao/

Palaisipan tuloy sa mga tao kung sino ba talaga ang partido o kandidatong sinusuportahan niya.

Isa pang balita tungkol sa kaniya ay ang pagpanaw ng kaniyang kapatid na lalaki.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/08/rufa-mae-namatayan-ng-kapatid-grabe-pala-malagasan-ng-kapatid-iba-din/">https://balita.net.ph/2022/04/08/rufa-mae-namatayan-ng-kapatid-grabe-pala-malagasan-ng-kapatid-iba-din/