Isa si Cai Cortez sa mga character actress na nagdudulot ng ngiti at saya sa mga role na ginagampanan niya, na kadalasan ay kapatid o matalik na kaibigan ng lead star sa isang teleserye o pelikula. Bakit nga ba hindi---talagang witty at bubbly ang kaniyang personalidad!

Kaya naman noong Abril 11, 2022, buong pagmamalaking ibinida ni Cai ang kaniyang mga litrato na ready na for summer, sa kaniyang Instagram post.

"According to science, heat makes things expand. No wonder malapad ako. Cause im so hawt!! Hahahaha charot," pahayag ni Cai sa kaniyang IG post habang todo-awra sa kaniyang yellow and green swimsuit. Pinasalamatan niya ang brand ng suot na swimsuit "for giving plusies a chance to express our inner confidence through clothes that actually fit and flatter our curves."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Cai Cortez

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon sa mga kasamahan at kaibigang celebrity gaya nina Kakai Bautista, Tart Carlos, Maxine Medina (na kamakailan ay na-engage na sa non-showbiz boyfriend), Camille Prats, Ria Atayde, Dionne Monsanto, at Sanya Lopez.

Si Cai ay anak ng batikang aktor na si Rez Cortez.

Nagtapos si Cai ng kursong Theatre Arts sa University of the Philippines-Diliman. Siya ay kasal sa mister na si Wissem Rkhami at mayroon silang dalawang anak.

Naging bahagi si Cai ng teleseryeng 'First Yaya' sa GMA Network.