Si KC Concepcion na nga ang pumalit sa gagampanan sanang karakter ni Toni Gonzaga sa romantic comedy movie na 'Asian Persuasion' sa New York, USA, sa direksyon ng Tony Award at Grammy-winning producer na si Jhett Tolentino.

Matatandaang noong Hulyo 2021, nauna nang i-anunsyo na si Toni ang gaganap bilang fashion designer wife na si Avery Chua sa karakter ni Filipino-American Hollywood actor Dante Basco. Ngayong 2022, binitiwan na ito ng TV host-actress dahil sa conflict umano sa schedules.

Makakasama ni KC na tamang-tamang nasa Amerika ngayon, ang iba pang Hollywood actors na sina Kevin Kreider, Paolo Montalban, Scarlett Sher, Celia Au, Geneva Carr at Jax Bacani.

Masayang-masayang ibinahagi ni KC ang proyektong ito sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/KC Concepcion

"Onto day 3 of filming @asianpersuasionfilm! Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew," caption ni KC sa kaniyang Instagram post ngayong Abril 13.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga celebrity sa Pilipinas gaya nina Iza Calzado, Arci Munoz, Mark Nicdao, Lovie Poe, Vina Morales, rachel Alejandro, at iba pa.

Binati rin siya ng kaniyang stepfather na si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

Wala pang komento o reaksyon dito ang nanay niyang si Megastar Sharon Cuneta.