Kasabay ng paglabas ng resulta ng pinakaunang digital Bar exam sa bansa kahapon, Abril 12, ay naglabas rin ng opinyon ang retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos hinggil dito.

Aniya, hindi na ganoon kailangan ang mga panyero sa bansa, bagkus, mas nangangailangan ang Pilipinas ng mga propesyonal tulad ng scientists, engineers, at doctors.

"Not to rain on anyone's parade… but, methinks we need more scientists, engineers, doctors… not more LAWYERS!" Ani Prof. Clarita sa kanyang Facebook post.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Sinegundahan naman ito ng dating kalihim ng Department of Agriculture na si Emmanuel Piñol, na nag-comment sa post ni Prof. Clarita.

Ani Piñol, dapat rin na isama ang agriculturists at aquaculture expert dahil kung hindi ay magugutom ang mga scientists, engineers, at doctors.

Matatandaan na noong Abril 12, inanunsyo ni Associate Justice and Bar Exam chairperson, Marvic Leonen na 8,241 sa 11,402 o 72.28% Bar takers ang nakapasa sa kauna-unahang digitalized at regionalized bar examinations.