Instagram official ang peg ng aktor na si John Lloyd Cruz at ang rumored jowa nitong si Isabel Santos matapos iflex ng artist ang aktor sa kanyang Instagram sa kauna-unahang pagkakataon.
Larawan ni Loydie karga ang isang aso ang makikita sa pinakahuling Instagram update ng artist na si Isabel.
Sa kanyang caption, mababasa ang makahulugang mga letra na, “bb1, bb1” na kung iintindihan ay maaaring katumbas na “baby number 1, at baby number 2.”
Agad ding nagkomento ang ilang verified Instagram handles na tila matalik na kaibigan ng dalawa.
“A new pupper?? Yay!!” komento ni Ria Atayde.
“Yownnnnnnnnn,” saad naman ng direktor na si Antoinette Jadaone.
Umulan din ng heart emojis sa comment section ng nasabing post bagaman walang nagkumpirma sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Si Isabel ay anak ng mag-asawang Soler Santos at Mona Santos, kilalang mga artista sa bansa. Makikita sa kanyang Instagram ang ilang mga obra, hilig niya sa pagpinta, at pagbisita sa mga art museum sa labas ng bansa.
Kung bibisitahin naman ang mga nakaraang posts ni Isabel mula pa noong 2021, ilang larawan ng nakatalikod na lalaki, na tila si Loydie rin, ang tampok nito sa kanyang mga post.
Kung ang aktor ang mga ito ay tila napagpasyahan ng dalawa na gawing low-key lang sa publiko ang kanilang relasyon.
Samantala, ang 38-anyos na aktor ay kilala rin sa kanyang pribadong relasyon kaya't hindi nakapagtataka ang pagsasapribado nito sa kanyang buhay pag-ibig.