Sa panayam ni Ogie Diaz sa misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, bukod sa pagsasagawa nito ng live selling ay naungkat din kung nasasaktan ba siya sa mga netizen na nagsasabing 'lumaki' siya o nag-gain weight matapos magka-anak sa mister na si Robin Padilla.

Kilala kasi si Mariel noong una sa kaniyang katawang balingkinitan.

"So wala kang pakialam kung sabihin ng mga tao, 'Ay si Mariel, biglang lumaki…'" untag ni Ogie.

"Syempre may pakialam ako kasi tao ako, masakit," pag-amin ni Mariel.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Pero kaya lang hindi ko naman sila masisisi dahil totoo. It's just that wala pa 'ko doon sa phase na 'yun, hindi ko pa talaga siya magawa," sey pa ni Mariel, na ang tinutukoy ay pagpapapayat.

"I'm sure babalik pa ako sa showbiz eh, kailangang magpapayat talaga ako kaagad, kasi babalik ako eh. Eh right now nasa bahay lang ako eh. Akala ng mga anak ko kutson ako. Kapag nanonood sila ng TV kailangan nakapatong sila sa akin," paliwanag pa ni Mariel. Enjoy na enjoy daw ang mga anak nila kapag nariyan siya sa kanila.

Sinasamantala raw niya ito dahil kapag nagsipaglakihan na ang mga anak, tiyak na mamimiss niya ang mga iyon.

"Yes, mandidiri na sila sa akin, ikakahiya na nila ako. 'Di ba ganoon 'yon? So, ineenjoy ko talaga yung times na gano'n," wika pa ni Mariel.

Naibahagi rin ni Mariel na iba na raw ang prayoridad na ngayon---pamilya na talaga. Dati raw, paranoid siya sa talent manager na si King of Talk Boy Abunda kapag isa lang ang proyektong ginagawa niya. Napapaisip daw siya kung laos na ba siya.

Dumating kasi ang peak ng showbiz career ni Mariel na tatlo-tatlong shows ang ginagawa niya: bilang host ng 'Wowowee' ni Willie Revillame, host ng entertainment show na 'E-Live', at host ng Pinoy Big Brother.