Maugong ang usap-usapan na si 'Dyosa' Anne Curtis ang magiging bagong host ng season 2 ng 'Idol Philippines', ang Pinoy version ng 'American Idol' na dating hinost ni Billy Crawford, na lumundag na sa TV-5 at ngayon ay main host ng noontime show na 'Lunch Out Loud' o LOL.

At hindi lamang daw si Anne ang bago sa season 2 dahil etsa-puwera na raw bilang mga hurado sina Moira Dela Torre at James Reid. Ang papalit daw sa trono nila at makakasama sa pagkilatis nina Asia's Songbird Regine Velasquez at Unkabogable Star Vice Ganda ay sina Rico Blanco at Daniel Padilla.

Ilang mga fan page na ang nagpapakalat nito, at isa na nga rito ang litrato ng kunwari ay pag-aaudition ni Anne sa naturang singing contest, pero ang totoo raw, baka taping na raw ito dahil siya ang napisil na bagong host.

Kung trulalu ang chika, ito ang kauna-unahang pagbabalik-telebisyon ni Anne matapos ang showbiz hiatus dulot ng panganganak sa junakis na si Dahlia Amelie, at dahil nga may pandemya pa nang mga panahong iyon. Lagi ring napupurnada ang pagbabalik niya sa 'It's Showtime'.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Worried naman ang mga online marites kung sino raw ang magpapasa ng korona sa susunod na Idol Ph winner gayong nasa kabila na ang winner ng season 1 na si Zephanie Dimaranan.