Si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. ang manok ng kandidato sa pagkakonsehal ng Olongapo City na si Optimum Star at dating Kapamilya actress na si Claudine Barretto, batay sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Abril 11.

"BBM PO AKO," saad sa caption ng kaniyang Instagram post. Makikita sa kaniyang campaign photo ang litrato ni BBM.

Isa sa mga nagkomento rito ang kaibigang si Janelle Jamer, na dating co-host ni Willie Revillame sa defunct noontime show ng ABS-CBN na 'Wowowee' noong 2005.

"Yahooooo," saad nito, na may tatlong pulang heart emoticons.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/">https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/

Agad na nag-trending sa Twitter ang pangalan ng yumaong ex-boyfriend nito na si Rico Yan matapos maibahagi ang screengrab ng komento umano ni Claudine sa isang netizen sa Instagram, na bago raw mamatay ang aktor ay nakadaupang-palad nito sina Pangulong Rodrigo Duterte, anak nitong si vice presidential candidate Sara Duterte, at si BBM.

"Rico looked up to these people. Our whole family is BBM, only Marjorie and her kids are Leni," mababasa sa naturang screengrab mula sa sinasabing komento ni Claudine sa isang netizen sa IG.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Rico Yan is the grandson of Gen. and Ambassador Manuel Yan, Sr. and was one of those high ranking officials to never agree with Martial Law. Please lang, love ko si Rico at huwag na idamay pa ni Claudine."

"Patay at nananahimik na yung tao, kinakaladkad pa sa kandidatura. My God, Claudine! Huwag na magpaka-showbiz sa pangangampanya. Maglatag ka na lang ng plataporma mo po."

"Gen. Manuel Yan Sr. is the grandfather of Rico Yan. In AFP's history, Yan (48) was the youngest Chief of Staff. However, Yan resigned his post in 1972 because he didn't want to be involved with Martial Law. Let Rico rest, Claudine."

"I never looked up to the Barrettos as I was so fed up by their family dramas, not until Ms. Marjorie made a stand not just for her own gain but mostly for her family's sake. I'd say, in this world full of Claudine Barretto, be that someone like Marjorie Barretto."

"There is no way Rico Yan would support the son of a dictator. Please take time and watch his documentation. Plus, his grandfather General Yan resigned his post in 1972 because he did not want to be involved with the implementation of martial law."

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Janelle Jamer si Claudine laban sa mga basher dahil sa pagpili nito kay BBM bilang manok sa pagkapangulo.

"Dami nanaman bashers. Hehe diyan naman makikita kung paano tayo rumispeto sa kapwa natin at sa karapatan ng bawat isa. Di n'yo kailangan manira, mang-away at mambash. Yan ba ang gusto n'yo gayahin ng mga undecided voters? Ang maging mapanira oh maging bastos?" aniya sa comment section ng IG post ni Claudine.

"Kung may gusto kayo na iba, eh di kampanya n'yo nang maayos. Wag puro bash and negativity. Kasi sa dami ng pinagdadaanan ng bansa natin eh walang space para sa negativity. Matuto na lang tayo magrespetohan at iimprove ang mga sarili natin. Wag mapanghusga na akala n'yo ang pe-perfect n'yo," dagdag pa.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Claudine ang 47th birthday ng yumaong ex. Pinayagan na rin siya ng mommy nito na makadalaw sa puntod nito nang magkasama sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/claudine-barretto-inalala-ang-47th-birthday-ng-yumaong-ex-jowang-si-rico-yan/">https://balita.net.ph/2022/03/15/claudine-barretto-inalala-ang-47th-birthday-ng-yumaong-ex-jowang-si-rico-yan/

"In a few minutes it’ll be you’re birthday. As you celebrate in heaven, we celebrate you here on Earth. May you know that I & the people who love you will forever love & celebrate you. I love you," wika ni Claudine. Kalakip nito ang litrato ng isang birthday cake na may nakalagay na pangalan ni Rico.

Samantala, wala pang reaksyon, tugon, o pahayag si Claudine sa mga patutsada ng mga netizen sa kaniya sa Twitter. Habang isinusulat ito ay trending na rin ang pangalan niya.