Si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. ang manok ng kandidato sa pagkakonsehal ng Olongapo City na si Optimum Star at dating Kapamilya actress na si Claudine Barretto, batay sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Abril 11.
"BBM PO AKO," saad sa caption ng kaniyang Instagram post. Makikita sa kaniyang campaign photo ang litrato ni BBM.
Isa sa mga nagkomento rito ang kaibigang si Janelle Jamer, na dating co-host ni Willie Revillame sa defunct noontime show ng ABS-CBN na 'Wowowee' noong 2005.
"Yahooooo," saad nito, na may tatlong pulang heart emoticons.
Sina Claudine at Janelle ay matalik na magkaibigan.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"Ms. Claudine thank you for supporting BBM, you made the right choice."
"Sorry po idol kita pero di siya ng president ko."
"Yes BBM! Thanks Ms. Clau!"
"Supporting you Claudine for 25 years… Now I am speechless."
"Yaaassss!! Thank you ate @claubarretto BBM all the way."
"This actually saddened me… will just respect whatever your situation/stand… your movies will always be my favorite…"
Samantala, ang kaniyang pamangkin na si Julia Barretto at kapatid na si Marjorie Barretto ay mga certified Kakampink, na sumasama pa sa mga sortie at kampanya para i-endorso ang Leni-Kiko tandem. Wala pang ineendorsong kandidato si Gretchen Barretto.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/dating-bomoto-kay-duterte-marjorie-barretto-suportado-ang-presidential-bid-ni-robredo/">https://balita.net.ph/2022/02/05/dating-bomoto-kay-duterte-marjorie-barretto-suportado-ang-presidential-bid-ni-robredo/