Hindi inakala ng netizens ang pagtoma ng celebrity fashion socialite na si Heart Evangelista ng kilalang gin sa sosyal pang isla sa Balesin Island. Anila, sa wakas, may mabibili rin silang affordable!

Back to Balesin island ang Kapuso actress nitong Lunes para sa ilang photoshoots at hangout kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Sa chill na summer vacation ng aktres, hindi nawala ang inuman na agad namang ibinahagi ng aktres sa isang serye ng mga larawan sa isang Instagram post.

Ikinawindang naman ng netizen nang mamataan sa IG story ng aktres ang sikat na brand ng gin. Isang hiwalay na close-up video pa ang ibinalandra nito tampok ang brand ng alak.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sosyal no more?

Dahil dito, agad na nag-viral sa Facebook ang screenshot ng story ng aktres. Hindi kasi makapaniwala ang netizens na sa kabila ng kasosyalan ni Heart, lumebel daw ito sa kanilang gin.

“Choosy ka pa sa alak, yung maganda at mayaman nga nag walwal ng gin,” mababasa sa isang viral nang post sa Facebook tampok ang screenshot ng alak sa IG story ni Heart.

Agad ding inulan ng nakakaaliw na komento ang nasabing post.

“Sa wakas sa lahat ng nabili ni Heart, may afford din ako. Gin at Tang.”

“Ayoko ng Gin pero dahil kay Heart parang wala na tayo karapatan umarte🤦🏼‍♀️😅

“Ginlouie bulagvouitton para kay Heart.”

“Sa lahat nang my day ni heart yung pancit canton at Bilog ang afford ko😂

“Real chick drink kwatro kantos can you dig that!!!!!!🔥🔥🔥

“Sa wakas may naafford na rin ako ng iniinom din ni heart😂

Samantala, pinagkaguluhan din ng netizens ang beach-ready na katawan ng aktres na ibinalandra niya sa kanyang Instagram suot ang two-piece white swimsuit.

At 37, talaga nga namang timeless ang ganda ni Heart!

Larawan mula Instagram ni Heart Evangelista