Trending ang hashtag na #CancelEianRances ngayong Abril 12, 2022 dahil sa umano'y kumalat na screengrab ng group chat ng mga tagasuporta ni Eian, na ang pinag-uusapan umano ay si Alexa Ilacad, na nakasama nito sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition.

Tila kasali umano rito si Eian at siya pa umano ang nagpadala sa GC nila ng isang tweet mula sa kaniyang tagasuporta na may text na "NEVER NAG HABOL AT NEVER MAG HAHABOL SAYO SI EIAN."

"Sino si BEAH? Boto natin for President!" sey naman ni Eian.

Agad namang kumalat sa Twitter ang resibong ito at nakarating kina KD Estrada at Alexa Ilacad, na siyang ipinagtatambal ngayon bilang 'KDLex'. Si KD ay kabilang din sa mga naging celebrity housemate.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tila hindi pinalagpas ni KD ang isyung ito at sunod-sunod na nagpakawala ng mga tweets.

"marites ka parin tol"

"lookin left coz you didn't treat her right hahahaha"

"i have respect naman, just none for you, and just unfollow me please i know you can see this," saad ni KD, na bagama't wala namang binanggit na pangalan ay ipinagpapalagay raw na patama kay Eian.

https://twitter.com/kdestrada_/status/1513704384718581763

https://twitter.com/kdestrada_/status/1513705129832497152

https://twitter.com/kdestrada_/status/1513754157303631876

Napa-react din sa isyu si Alexa.

"I dodged a bullet," aniya.

Tumugon naman dito ang kaibigan niyang komedyante na si Alora Sasam.

"Guilty ako rito. Never again," aniya, na ibinahagi ang meme tungkol sa 'red flags'.

"Too blessed to be stressed. Sending you all my love," saad pa ni Alexa.

https://twitter.com/alexailacad/status/1513736953228800002

Nakarating naman kay Eian ang isyu at nagpakawala rin ng tweet tungkol dito.

"In time, everything will fall into place," aniya.

"So for now, embrace the uncertainties, ngumiti sa kabila ng mga pangungutya, maging matatag and keep reminding yourself that God is in charge of all things at lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan."

https://twitter.com/EianRances/status/1513732867322351616

Kung babalikan ang mga naganap sa PBB, matatandaang naging malapit sa isa't isa sina Alexa at Eian. Naisyu pa nga na baka ginagamit lamang daw ni Alexa si Eian para sumikat at mapag-usapan para sa 'love team'.

Bukod kay Eian, naging malapit din si Alexa kay KD dahil si Alexa ang naging sandalang-nalikat ni KD nang dedmahin siya ni Anji Salvacion. Paglabas nila ng Bahay ni Kuya, sila na nga ang pinagtambal ng ABS-CBN bilang KDLex.

Habang isinusulat ito, trending na rin ang "PROTECT KD AT ALL COST" at "YOU ARE LOVED ALEXA".