Matapos magpahayag ng pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, sumunod naman dito ang isa rin sa mga A-listers ng Kapamilya Network at 'It's Showtime' host na si Anne Curtis-Heussaff, ngayong Martes ng umaga, Abril 12, 2022, sa kaniyang social media platforms.

May simpleng caption lamang ito na 'A mother's love' at may hashtags na #KulayRosasAngBukas, #LetLeniLead, at #LuvAnneLeni. Ibinahagi rin niya ang screengrab kung bakit niya pinipili si VP Leni. May kalakip din itong litrato ng bulaklak na rosas na kulay pink.

"𝐀 𝐦𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫’𝐬 𝐥𝐨𝐯𝐞," panimula ni Anne.

"Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo…" aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1513684259357491201

Nagbunyi naman ang mga celebrity na kapwa Kakampink gaya nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Pokwang, at marami pang iba.