ASINGAN, Pangasinan – Isa ang patay habang isa ang sugatan nang mabangga ng sinasakyan nilang tricycle ang isang mini dump truck sa kahabaan ng Magilas Trail, Sitio Cabaruan, Brgy. Bantog noong Lunes ng hapon.

Iniulat ng Pangasinan police nitong Martes na nawalan ng kontrol sa minamanehong tricycle si Marlon Duran, 40, nang pumutok ang gulong nito sa harap, dahilan para makapasok ang tricycle sa kabilang linya. Sunod na nabangga ng tricycle ang paparating na mini-dump truck na minamaneho ni Danilo Alvarado Jr., 35, residente ng Brgy. Cabaritan, San Miguel, Pangasinan.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan si Duran at ang kanyang pasahero na si Villaflor Balano, 40-anyos, ngunit malala ang mga natamong sugat ni Balano dahilan para hindi ito umabot sa pagamutan, dead on arrival sa Asingan Community Hospital.

Sina Duran at Balano ay kapwa residente ng Brgy. Namagbagan, Sta. Maria, Pangasinan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi naman nagtamo ng pinsala ang driver ng mini dump truck.

Parehong nasira ang dalawang sasakyan at nasa kustodiya na ngayon ng Police station para sa kaukulang disposisyon.

Liezle Basa Inigo