Number 29 trending sa YouTube ang latest vlog ni Unkabogable Vice Ganda kung saan ipinakita niya kung gaano siya kaabala sa buhay.

Makikita na pagkatapos ng kaniyang hosting sa live telecast ng noontime show na 'It's Showtime' ay sumegway na si Meme patungo sa isang commitment na natanguan niya. Dahil hindi na siya aabot, minabuti na lamang niyang sumakay ng helicopter, na nakaabang na sa tuktok ng ABS-CBN building. Kailangan niyang makarating kaagad sa Tiaong, Quezon para sa naturang raket, kasama ang mga kaibigang sina Negi at Petite.

Kinabukasan ay muling bumalik ang komedyante sa ABS-CBN para sa hosting ulit ng noontime show. At pagkatapos daw nito ay may raket pa ulit siyang pupuntahan.

"Ratsada si Meme! Hangga't di tumutumba," saad pa niya.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Pagkatapos ng Showtime, kaagad na siyang sumakay sa van. Huling-huli niya na ang pinapanood ng driver ay 'Eat Bulaga'. Patungo naman siya sa Makati City para sa isang sortie.

"Eat Bulaga pinapanood mo ah... napakasupportive ni kuya! Pataas nang pataas ang ratings natin," birong banat ni Vice Ganda.

Pagod na pagod man sa kaniyang mga ginawa ay makikitang maayos pa rin ang pakikitungo ng komedyante-host sa kaniyang mga kasama, gayundin sa mga batang kumakaway at sumisigaw sa pangalan niya.