Para sa actor-singer na si Audie Gemora, mas nakakatawa at mas matalino raw ang Kapuso comedian na si Pokwang kaysa kay Comedy Ai Ai Delas Alas.

Sa pamamagitan ng tweet noong Abril 8, ni-retweet ni Audie ang isang pubmat ni Pokwang na ginawa ng isang news outlet, batay sa pahayag nito na hindi siya nangangambang mawalan ng followers at friends sa social media; mas natatakot pa siyang mawalan ng prinsipyo at dangal.

"Good morning…. gusto ko lang malaman n'yong mga nagbabanta mag unfollow sakin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa aking mga anak at magiging apo. #PinKAngPokienyongLahat #Lenikiko," ani Pokwang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

"I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai Ai," reaksyon naman ni Audie.

Screengrab mula sa Twitter/Audie Gemora

Si Audie ay isang certified Kakampink gayundin si Pokwang. Si Ai Ai naman ay nagpahayag ng pagsuporta sa UniTeam.

Matatandaang pinabulaanan mismo ni Ai Ai na tagasuporta siya ni Vice President Leni Robredo, batay sa mga kumakalat na pekeng balita, na ibinatay sa litrato mula sa pelikula niyang 'Ang Tanging Ina Ninyong Lahat' ng Star Cinema, kung saan nakasuot siya ng pink dress.

"Utang na loob NANAHIMIK AKO wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang… huy!!! Tanging Ina ko pa picture 'yan, tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong kacheapan…" pahayag ni Ai Ai.

"Pls. hindi po ako VP LENI supporter .. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/

Nakumpirma ang pagiging UniTeam supporter ng komedyante nang magbigay siya ng video message para sa sortie ng UniTeam sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

“Ako po ngayon ay naimbitahan upang magbigay po sa inyo ng munting mensahe dahil bukod po sa ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW,” aniya.

"Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai-Ai delas Alas para sa UniTeam," dagdag pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/

Si Pokwang naman, all-out ang suporta sa Leni-Kiko tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/pokwang-eksenadora-ang-hashtag-bilang-kakampink-pinkangpokienyonglahat/">https://balita.net.ph/2022/03/12/pokwang-eksenadora-ang-hashtag-bilang-kakampink-pinkangpokienyonglahat/

Samantala, wala pang reaksyon o tugon sina Pokwang o Ai Ai tungkol dito.