Sunod-sunod na social media posts ang pinakawalan ni Kapuso comedian Kiray na tila ba may pinariringgan siyang kaaway o nakaalitan, nitong Linggo, Abril 11, 2022.
Sa una niyang Facebook post, sinabi niya na "Pag toxic, wag kang matakot i-unfriend!"

Sa pangalawang FB post naman, "Siya na ang mali, siya pa mismo nagkwento ng mali! #Verywrong."

"Bakit ba ang hirap sayo magbago? Bakit ayaw mo pang aminin yung mga mali mo? O sadyang ayaw mo kasi nag-eenjoy ka na sa ginagawa mo?" pangatlong FB post naman niya.
Sa puntong ito ay nag-react na ang sikat na online personality na si 'Senyora'.
"Magiging single ka na ba?" tanong nito.
"Maghihiwalay kami pag nagka-jowa ka na. SO NEVER KAMI MAGHIHIWALAY! HAHAHAHAHAHAHA," wika ni Kiray na mukhang nasa maayos naman na kalagayan sa kanilang relasyon ng non-showbiz jowa na si Stephan Estopia.

At nagpatuloy pa ng mga parinig ang komedyante.
"Puro sorry, hindi naman nagbabago."

"Puro ka panlalait sa mali ng ibang tao, pero yung mali mo.. hindi mo mabago."
"Tinuturo na nga sa'yo mga mali mo galit ka pa," komento naman dito ni Senyora.

Tanong ng bayan, kung okay naman daw sila ni Stephan, sino naman kaya ang pinariringgan ng komedyana? Wala pang tugon o paglilinaw si Kiray tungkol dito.