Umakyat na sa 22 ang namatay matapos matabunan ng lupa sa Baybay City sa Leyte dulot na rin ng walang matinding pag-ulan dala ng bagyong Agaton.

Ito ang kinumpirma ni Baybay City Police chief, Col. Jomen Collado nitong Lunes sa isang panayam sa telebisyon.

Narekober aniya ang mga bangkay sa apat na barangay ng lungsod.

“Meron po tayong nakuha sa Barangay Mailhi, doon po tayo nakakuha ng 16. Sa Brgy. Maypatag, mayroon pong dalawa, sa Brgy. Bunga mayroong isa, at Brgy. San Agustin mayroon po tayong tatlo,” aniya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Anim pa aniyang miyembro ng isang pamilya ang hinahanap pa ng mga search and rescue team matapos umanong matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay.

Unang humagupit ang bagyo sa Calicoan Island, Guiuan, Leyte nitong Linggo ng umaga at kinabukasan ay bumayo naman ito sa Basey, Samar.