May payo si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa TNT Boys na kasalukuyang dumaranas ng pagbabago sa kanilang boses dala ng puberty.

Nakilala sina Francis Empuerto, Keifer Sanchez at Mackie Empuerto matapos ang kanilang viral showdown sa programa ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice, matapos maging finalists ng edisyon ng Tawag ng Tanghalad Teens noong 2017.

Mula noon, kabi-kabilang oportunidad ang nabuksan ng Kapamilya trio kabilang ang paglabas nila sa iba’t ibang international shows sa ilang panig ng mundo Na-meet pa ng tatlo ang American pop star noong Pebrero 2019 sa programa ni James Corden.

Sa pagtatapos ng 2019, dito na unti-unting magbago ang mataas na timbre ng boses ng TNT Boys.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nagbahagi naman si Songbird sa sarili nitong karanasan nang makasama nila sa Asap Natin ‘To sa Rome Italy noong Oktubre 2019.

“'Yung last memory ko of these boys was when we went to Rome. Hindi ko nasabi na noong nandoon kami sa Rome, they were having such a hard time,” ani Regine na nagbahagi ng kuwento sa isang episode ng Magandang Buhay kamakailan.

“Kasi nga nagbabago na yong mga boses nila. They were singing the same songs, in the same key na noong mga bata pa sila. So when I saw them, para silang nalugi. Naawa ako so pinuntahan ko sila,” pagpapatuloy ni Songbird.

Ibinahagi rin ni Regine ang kanyang pagkakaroon ng acid reflux na nakaapekto sa kanyang boses matapos isilang ang unico ijo nila ni Ogie Alcasid.

“Ang sinabi ko sa kanila noon, kailangan niyong i-accept kung ano yung magiging sound niyo. Kasi mahirap na yung isip mo nandun ka pa sa bata ka pero iba na yung naririnig mo. Kaya ko yun sinasabi kasi that happened to me. In my case, medyo after I gave birth,” ani Regine.

Pagbubulgar ni Songbird, halos ma-depress umano siya sa bawat gig na pinupuntahan noon.

“Umiiyak ako sa asawa ko and I was telling him, ‘Maybe it’s time for me to stop,’” aniya.

“May ganoon kasi alam mo yung tunog mo eh. I felt the need to let these boys know na okay lang ‘yan. Talagang it will change. Your voice will change and it will keep on changing,” pagpapatuloy ni Regine.

Wala namang balak na tumigil sa kanilang pagmamahal sa musika ang TNT Boys.