Sa ingay na ginawa ng proposal ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes ay marami ang nagtatanong at nakaabang sa kung ano ang reaksyon at sey dito ng katambal ni Blythe (Andrea) na si Seth Fedelin.

Matatandaang si Seth umano ang naging dahilan kung bakit 'nagkagalit' sina Andrea at Francine Diaz dahil umano sa selos.

Ayon sa kumakalat na chika mula sa mga Marites (na hindi pa kumpirmado kundi alingasngas lamang), ang totoong bet umano ni Seth ay si Francine, subalit wala umano siyang magawa dahil malakas at iniingatan nila ang tambalan nila ni Andrea. At si Andrea naman umano ay nahulog na raw kay Seth, kaya nagseselos umano siya sa pagiging malapit ng dalawa, kaya nabuo ang hashtag na #FranSeth. Ngunit wala pang nagkukumpirma ni isa sa kanila kung trulalu at walang halong eklavu ang chikang ito.

May kumakalat pang TikTok video na nagbibigayan sila ng bouquet of flowers sa kani-kanilang katambal, ngunit ang mata ni Seth ay nakatingin umano kay Francine.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, pinag-uusapan din ang kumakalat na TikTok video ni Andrea kung saan makikitang parang mugto ang mga mata niya, bagama't ang caption ay bagong gising siya.

Napansin naman ng mga netizen na ang background music ay 'mapanakit'. Isang netizen pa ang nag-post ng lyrics nito sa comment section.

"I gave my all and they know it. You turned me down and now it's showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it," ayon sa lyrics ng awitin na background music ni Andrea na inawit ni Selena Gomez na 'Lose You To Love Me.'

Napansin naman ng mga netizen na ni-like ito ng 'creator' o ni Andrea.

Going back kay Seth, matapos nga ang pinag-usapang proposal ni Ricci kay Andrea, ang tanging IG post lamang ng young Kapamilya actor ay 'Kape tayo?'

Agad namang nagkomento rito ang kasamahan sa 'Gold Squad' na si Kyle Echarri.

"Tara," saad nito, na naka-tag pa sa Kapamilya actor na si Dominic Ochoa, na nakasama nila sa teleseryeng 'Huwag Kang Mangamba'.

"Tara! Saan? Pag-usapan natin ang buhay-buhay!" komento naman ni Darla Sauler.

Ngayong 10PM ng Abril 10 ay nagsagawa ng isang IG Live si Seth upang basagin na ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyung kumakaladkad sa kaniya gayundin sa kaibigang si Andrea.

Panawagan niya, sana raw ay ihinto na ang masasakit na salita laban sa 'kaibigan' na ang ipinagpalagay ng mga netizen na si Andrea. Wala raw alam ang mga taong mapanghusga sa tunay na sitwasyon dahil sila-silang mga magkakaibigan ang nakakaalam ng lahat.

Nagsalita na ang young actor dahil hindi na raw niya nagugustuhan ang lahat ng mga pekeng balita at masasakit na salitang ibinabato sa kaniyang kaibigan. Hindi raw deserve ng kaniyang kaibigan na makarinig at makabasa ng maaanghang na pahayag mula sa mga netizen.

"Deserve po ng kaibigan ko na may gumawa sa kaniya ng mga ganoong bagay… na ipagsigawan siya sa publiko…" ani Seth na ang tinutukoy ay si Andrea.

Siya rin mismo ay suportado ang relasyon ng dalawa.

Video mula sa TikTok

Sana raw ay mahinto na ang mga negatibong komento laban sa dalawa dahil hindi na niya kinakaya ang mga nababasa niya sa social media. Sana raw ay ibigay na lamang sa kanila ang respeto, lalo na't babae ang pinag-uusapan dito.

"Tama na guys, hindi po tama lalo na't babae," pakiusap pa ni Seth.

Tumagal lamang ang IG live ni Seth ng 9 minuto at 41 segundo.