Trending sa Twitter ang 'President Nadine' dahil sa paglahok ni Nadine Lustre sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem nitong Sabado ng gabi, Abril 9, 2022, na ginanap sa Robinsons Starmills sa San Fernando, Pampanga.

Biyernes pa lamang ay aligaga na ang mga Jadine fans at certified Kakampink nang lumabas na ang mga anunsyo na bubulaga sa Pampanga sortie si Nadine, na mukhang kababalik lamang ng Pilipinas mula sa France.

Matatandaang hayagan na ang pagsuporta ni Nadine kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito, nang magpahayag na ito na tatakbo sa pampanguluhan sa darating na halalan 2022.

Ibinahagi rin niya sa tweet na paparating na siya sa Pampanga sortie.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre

Ngunit mas lalo pang naging viral si Nadine nang habang kumakanta siya sa stage, isang lalaki ang lumapit sa kaniya at inabutan siya ng bote ng 'Mang Tomas' all-around sarsa.

Kitang-kita ang saglit na pagkabigla ni Nadine subalit napatawa na lamang siya lalo't naghiyawan na rin ang audience.

Video mula sa TikTok

Matatandaang noong 2021 ay naging viral ang litrato ni Nadine habang bumibili ng naturang sarsa sa isang tindahan habang nakabakasyon sa Siargao, kasama ang noo'y rumored boyfriend na si Christophe Bariou.

Inunahan na rin ni Nadine ang mga netizen.

"Para 'di na kayo mag-isip… lechon manok yung ulam," saad ni Nadine sa kaniyang Twitter post.