Hangang-hanga ang mga netizen at maging mga celebrity friends ni Kapuso actress Jennylyn Mercado matapos niyang ibahagi ang kaniyang maternity shoots sa Instagram, sa photography at creative direction ni BJ Pascual, noong Abril 6.

Anomang oras ay manganganak na si Jen sa susunod na buwan, kaya ibinahagi niya sa social media ang kanilang kasiyahan ng mister na si Kapuso actor Dennis Trillo.

Sa unang litrato, ibinida ni Jennylyn ang baby bump habang nakasuot siya ng wine-red dress, at sa kaniyang background ay makikita ang mga bulaklak.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Screengrab mula sa IG/Jennylyn Mercado

Ang isa naman ay nakasuot siya ng red headdress, at natatakpan ng flimsy piece ng cloth ang kaniyang katawan.

Screengrab mula sa IG/Jennylyn Mercado

Ang pangatlo naman ay para siyang engkantada dahil sa kaniyang flower headdress at kulay-brown na dress. Kitang-kita rito ang kaniyang maumbok na tiyan.

Screengrab mula sa IG/Jennylyn Mercado

Syempre, proud na proud naman ang kaniyang mister na si Dennis.

"Asawa ko 'yan," saad ni Dennis sa comment section sa isa sa mga IG post ni Jen.

Ilan sa mga celebrity friends na napa-wow sa maternity shoot photos ay sina Angel Locsin, Carla Abellana, Iya Villania, Kim Molina, Paolo Ballesteros, DJ Chacha, Yasmien Kurdi, at marami pang iba.

Ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong Nobyembre 2021. Ito ang pangalawang anak ni Jen subalit panganay naman nila ni Dennis.

Malaki na rin ang anak nina Jennylyn at dating karelasyon na si Patrick Garcia na si Alex Jazz.